Pages

Parabula: Kagandahan mula sa Ang Propeta ni Khalil Gibran


Kagandahan

mula sa Ang Propeta ni Khalil Gibran
parabula mula sa Lebanon
bersiyon ni Louie Jon A. Sanchez

        Minsan  ay may humiling sa akin na isang makata, "Maaari ka bang magsalita hinggil sa Kagandahan?

        Paano mo hahanapin ang kagandahan,saan mo siya tutunghan,maliban kung siya mismo ang iyong landas at patnubay?

        Paano mo bibigkasin ang kanyang ngalan kung hindi siya ang tagahabi ng iyong mga kataga?

        "Kapara niya ang isang mahiyaing ina na marikit na nilalakad ang araw-araw, mabuti at magiliw," wika ng api at nasaktan.

        "Ay, ang kagandahan ay maaari ring malakas at nakahihindik. Tulad ng unos, nilulunod niya ang daigdig- ng ating inaapakan at himpapawid,"  ani naman ng marubdob.

        "Ang kagandahan ay tahimik na bulong, bulong sa kaluluwa. Bumabaling siya sa bawat katahimikan natin, tuladng banayad na liwanag na pumupuksa sa mga anino," sabi ng pagal.

        "Siya naman yaong nananaghoy sa kabundukan, at kasaliw ng kanyang tinig ang yabag ng mga kabayo, ang pagaspas ng mga ibon, ang atungal ng mga leo," wika ng hindi mapalagay.

        Ngunit may mga bantay sa gabing nagbubunyag: "Sikat ang kagandahan sa bukang-liwayway sa Silangan." At wiwikain ng mga nagbabanat-buto na "nakita natin siyang sinisilip ang daigdig mula sa mga bintana ng hapon." Kapag taglamig, ang niyayakap ng niyebe'y magsasabing "darating siyang lumulukso sa mga burol, kalangkay ang tagsibol." Ang mga tagapag-ani sa tag-araw, sasabihan nilang "nakita natin siyang kasayaw ang mga dahong-taglagas, at ang mga buhok niya'y may bahid ng niyene."

        Lahat ng ito'y sinasabi ninyo hinggil sa kagandahan.

        Ngunit ang totoo'y pawang mga kaasahan ninyo ito, kung kaya't isa lamang pagkalugod ang kagandahan, at hindi pangangailangan.

        Hindi ito isang gutom na sikmura o  palad na nakasahod; isa itong pusong naglalagablab, isang kaluluwang napupuno ng hiwaga.

        Hindi ito imaheng namamalas o awit na naririnig; imahen itong nakikita kapag kayo'y nakapikit o kung kayo'y balot ng katahimikan.



Tungkol sa sumulat:


 https://en.wikipedia.org/wiki/Kahlil_Gibran

        Si Khalil  Gibran ang awtor ng kilalang akdang Ang Propeta. Tubong Lebanon ang pamilya ni Gibran, nang kabataan niya, nilisan nilaang kanilang bansa upang magtungo sa Amerika. Sa Amerika, naitatag niya  ang kanyang karera sa sining at panitikan. Nagsulat siya sa Ingles at sa Arabe. Magpahanggang ngayon, nananatiling binabasa ang Ang Propeta ni Gibran dahil sa angkin nitong karunungang hindi lamang nagbabalon sa kanyang Kristiyanong pananamplataya, pati na rin sa Islam na laganap sa rehiyong kanyang pinagmulan sa Gitnang Silangan. Samantalang nay hibo ng mistikal na tradisyon ng Sufimo, tubog din sa Katolikong espirituwalidad ang kanyang mga panulat. Ang kanyang aklat na Ang Propeta ay isnag pagtatangkang unawain ang mga kaisipang pinahahalagahan ng isang tao sa modernong panahon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment

DLL and PPTs ( Daily Learning Logs in Filipino, English, and Araling Panlipunan)

Daily Learning Log and PPTs                          DLL                                                        ENGLISH 7        ...